Naga City hinampas ng mild tornado

LABIS na takot ang naramdaman ng ilang residente sa Naga City matapos hampasain sila ng ipu-ipo, Lunes ng gabi.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita na lang nila sa silangang bahagi ng kalangitan ang mahaba at manipis na ulap na korteng imbudo.

Sa labis umanong init ng araw at biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, nag-evaporate ang init mula sa lupa at dito nabuo ang naturang mild tornado.

Kung nasuplayan pa umano ito ng enerhiya, bababa ito sa lupa at higit na delikado sapagkat wawasakin nito ang anumang madadaanan.

Tinatayang tumagal ang mild tornado ng 10 minuto kung saan maging ang mga karatig bayan ay nasaksihan din ito.

Samantala, nagbabala naman ang Pagasa na maging maingat kung makakita ulit ng ganitong pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply