Nagpakamatay sa tindi ng problema: Kelot lasog sa granada

LASOG ang isang ama ng tahanan makaraang pasabugan ng granada ang sarili bunsod ng dinadalang problema sa pamilya sa Gonzaga, Cagayan.

Ayon sa pinsan ng biktima na nakainuman nito bago magpakamatay, matinding suliranin sa pamilya ang nag-udyok sa biktima na kitilin ang sarili kung saan malimit umanong nag-aaway ang mag-asawang Peralta.

Base naman sa ulat ng pulisya, nagpaalam ang biktima sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinuman subalit nagulat ang pinsan nito nang makarinig ng pagsabog ng granada, 15 metro ang layo mula sa lugar na kanilang pinag-iinuman.

Nakahandusay at duguan na ang katawan ng biktima nang puntahan ito ng kaniyang pinsan.

Isinugod pa ito sa pagamutan subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong matinding sugat sa tagiliran

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung anong klaseng granada at kung saan ito kinuha ng biktima na isang tsuper ng traysikel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply