Nagtapon ng toxic waste sa Cavite ipakukulong ng DENR

NAGBANTA ngayon si Environment Secretary Ramon J. P. Paje na kakasuhan at ipakukulong ang mga taong sangkot sa pagtatapon ng mga toxic waste sa Cavite.

Ani Paje, inatasan na niya ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 6969, o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, ang mga nagtapon ng toxic waste sa Dasmarinas, Cavite.

Gayundin, ipinasusuri ni Paje ang tubig sa Langkaan River upang malaman kung contaminated na ito ng mga toxic material.

Sa report, isang hukay ang natagpuan sa Cavite na may sukat na 1 metrong lapad, 2 metrong haba at 1.5 metrong lalim, na possible umanong pagbabaunan ng mga drum na may lamang toxic chemicals.

Base pa rin sa report, nakilala ang truck driver na si Ramon Olaguer na magtatapon sana ng mga kemikal sa naturang hukay na nasa pribadong lupa na pag-aari ng isang Fidel Huelgas.

Ani Olaguer, galing ang toxic materials sa SOLCHEM, isang accredited treatment facility sa Las Piñas City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply