Nakikita lang ang puno subalit hindi ang gubat

WALA akong nakikitang mali sa mungkahi ni Kalihim Enrique Ona ng Kalugusan na hindi lamang ang mga maninigarilyo ang dapat tugisin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa anti-smoking campaign nito kundi lalo na ang mga tsuper ng mga luma nang sasakyang nagbubuga ng usok na lumalason sa kapaligiran.

Subalit iba ang dating sa Philippine Medical Association (PMA) at sa Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) ng mungkahi ni Dr. Ona. Sa magkahiwalay na pahayag sinabi ng dalawang asosasyon na bilang kalihim ng Department of Health at isang doktor ay tungkulin ni Ona na sugpuin ang mga pagpatay  mula  sa paninigarilyo.

Sa ganang akin mas malawak ang pananaw ni Ona sa  problema ng polusyon sa ere o hangin sa Kamaynilaan kaysa sa PMA at FCAP na “nakikita lang ang mga puno subalit hindi nakikita ang gubat.”

Ang usok ng sigarilyo na nakakakanser ay isa lang sa pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa Metro Manila.

Mas matindi at mapanganib sa kalusugan ang polusyong ibinubuga ng mga pagawaan at ng mga sasakyang  de motor na luma at mga traysikel na naglipana sa mga daan sa Kamaynilaan. Dapat hulihin din ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng mga pamahalaang local at hindi iyong tila baga may itinatangi?

Alam ba ninyo ang nangungunang mga sakit na nakamamatay sa Pilipinas ngayon?

Malapit nang malampasan ng kanser ang sakit sa puso at istrok o pagsabog ng ugat sa ulo. Nagsisimula kundi man pinalulubha ng polusyon ang dalawang killer na sakit na ito.

Ini-report kamakailan ng World Bank ang patuloy na pagtaas sa nakaraang ilang dekada ang content na sulphur dioxide, ammonia, nitrogen oxide sa ere sa Maynila.

Sinabi ng WB sa Maynila pa lamang ay 4,000 Filipino na ang namamatay taon-taon dahil sa air pollution bunga ng di tamang pagmamaneho at di mahusay na pangangalaga o maintenance ng kanilang sasakyan.

Ayon pa sa WB report pumapangatlo  ang Pilipinas sa may pinakamaruming hangin sa Asya. Una ay ang Beijing at sumusunod ang Jakarta at Bangkok.

Bukod sa mga namamatay, may 90,000 Filipinos sa Maynila ang pinahihirapan ng paulit-ulit na sakit na bronchitis.

Kayat dapat lang tugisin at panagutin sa batas ang mga illegal cigarette smokers at iresponsableng tsuper at may-ari ng mga plantang nagkakalat ng dumi sa hangin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply