Nalason sa kinatay na kalabaw umakyat sa 128

UMABOT na sa 128 katao ang itinakbo sa pagamutan matapos na kainin ang kinatay na may sakit na kalabaw sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Sa report, grabeng tinamaan ang may 42 kabataan na kinailangan itakbo sa iba’t-ibang pagamutan matapos na makaramdam ng sobrang pagkahilo, pagtatae at pagsusuka makaraang lantakan nila ang inilutong karne.

SA ulat ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan, kinailangan dalhin sa pagamutan ang mga biktima sanhi ng nakikitang sintomas ng maramihang food poisoning.

Magugunitang isang kalabaw ang kinatay ng may-ari ng makitang tila nanghihina na ito makarang makakain ng kulambo.

Nabatid na dahil sa panghihinayang sa malaking pagkalugi o kawalan ng kanilang alagang hayop ay nagpasya ang may-ari na ibenta ang karne ng kalabaw bago pa ito tuluyang mamatay sa mga kabarangay nito.

Ayon naman sa ulat na ipinadala ng medical team na nagtungo sa lugar, may mga biktimang hindi na dinala sa ospital at doon na lamang ginamot ng mga doktor.

Sa ngayon, ay may 10 pang biktima ang ino-obserbahan at  nananatili sa provincial hospital ng South Cotabato at may ilan din ang dinala sa mga pagamutan sa Isulan, Sultan Kudarat.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng mga local health officer sa kalagayan ng mga pina-uwing biktima. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply