Namatay sa brownout: Ina ni Gov. Salceda nabagok ang ulo

BINAWIAN ng buhay ang ina ni Albay Gov. Joey Salceda Miyerkules ng umaga matapos itong madulas at mabagok Martes ng gabi bunsod ng brownout.

Ayon sa ulat, nadala pa si Gng. Cielo Sarte Salceda sa Bicol Regional Medical Center, subalit idineklara itong patay na eksaktong 6:55 ng umaga ng Miyerkules.

Labis ang pagdadalamhati ngayon ng gobernador dahil bukod sa pagpanaw ng kanyang ina, pito rin sa kanyang mga ka-lalawigan ay namatay dahil sa hagupit ng bagyong si ” Juaning.”

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ni Salceda mula sa kanyang mga kababayan at maging sa matataas na opisyal ng gobyerno.

Nakiramay din ang Malakanyang sa pagpanaw ni Gng. Salceda.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply