NAPOCOR kinasuhan ni Hagedorn

NAGPASIYA ngayon, Linggo, si Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro na tanggapin ang kasong kriminal na inireklamo ni Puerto Princesa Mayor Edward S. Hagedorn noong Biyernes laban sa mga opisyal ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Ang mga kinasuhan sa paglabag sa Section 94 ng Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) ay ang NAPOCOR Palawan Projects na represented ni President Cyril C. Del Callar at Project Manager Romualdo Consigna.

Kabilang din sa kinasuhan ay sina Harold Laureta, Francisco Madera at Russel Ferrer ng S.L. Development Construction Corporation.

Sa isinagawang pagrerebisa ng Preliminary Investigation and Administrative Adjudication Bureau (PARB), napalitaw ni Hagedorn na ang testimonya ng mga empleyado ng DENR-CENRO ay sapat upang patunayang ang pagpuputol ng mga bakawan sa may 12,000 square meters na mangrove area sa Barangay Lucbuan, Puerto Princesa.

Pinutol ang mga bakawan ng NAPOCOR noong May 2008 para sa pagkakabit ng transmission lines at mga tore.

Ayon kay Acting Ombudsman, kakasuhan ang mga taga-NAPOCOR ng paglabag sa Section 94 Chapter VI of RA 8550.

Gayundin, napatunayang sina Laureta, Madera at Ferrer ang nagpaputol ng mga bakawan nang maaktuhan ang mga ito sa lugar kung saan nakuha rin ang 1,102 piraso ng kahoy na bakawan.

Bukod dito, bilang mga opisyal ng NAPOCOR, pinabayaan umano nina Del Callar at Consigna ang pagpuputol ng nasabing mga bakawan kahit alam nilang iligal ito.

Mananagot ang mga NAPOCOR official sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply