Nasugbu, Batangas Mayor Tony Barcelon Gisinggg!

SUMBONG doon… reklamo rito – at pati ang Chokepoint natuturete na sa mga daing ng mga tagasubaybay natin diyan sa Batangas.

Paano nga naman kasi, mistulang tuod na walang alam sa mga nangyayari si Gov. Vilma Santos, mga alkalde at kapulisan.

Sa dami ng kalokohan sa lalawigan ni Ate V,  puwede na yata akong makagawa ng isang buong libro sa naipon ko na sumbong.

Kagaya nitong natanggap na naman nating sumbong na namamayagpag at lantaran na operasyon daw ng lotengan sa Nasugbu.

Naku eh, ‘di lang pangkaraniwang residente ang galit na sa akala mo’y ‘ligal’ na raw na operasyon ng loteng sa bayan na ito.

Katunayan, isang konsehal ng bayan ng Nasugbu ang dumadaing sa lantarang operasyon ng sugal na ito sa Nasugbu.

At ang sinisisi ay si Mayor Tony Barcelon. Aniya, ‘di kumikilos si Mayor para mahinto ang nasasabing lotengan.

Bukas na bukas daw sa tao ang pagpapataya pati mga menor de edad ay inaalok pang tumaya ng kanilang loteng.

Sa loob mismo ng Centro de Azucarera Don Pedro sa Nasugbu, lantaran ang pagpapataya ng loteng sa mga trabahador.

Ayon sa nasabing konsehal, dalawang maiimpluwensyang gambling lord na kilala sa pangalan lamang na ‘Willy’ at ‘Laguz’ ang mga operator.

Ang dalawang ito ay mga financier din ng video karera at fruit games na nakakalat sa iba’t ibang sulok ng naturang bayan.

Malimit daw makita ang mga GL na ito na kasama ang mismong police chief ng Nasugbu na si Supt. Jonathan Tangonan.

Eh kung nakikita ang mga ito na magkakasama, ano ang maaring isipin mo kundi magkakasapakat ang mga ito sa iligal?

Ayon sa konsehal, ang lotengan ni Willy at Laguz ay kalat sa 48 na barangay, ang pinakasentro ay ang Poblacion, Wawa, Lumbangan, Palico at Latag.

Mayor Barcelon… sir… aba’y hulihin mo sina Willy at Laguz para ‘di ka pagsuspetsahan na protektor ng iligal na sugal diyan sa iyong bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply