Natu-trauma si Ruffa kay Yilmaz Bektaz!

PAGKATAPOS ng “Paparazzi,” kinausap namin si Ruffa Gutierrez last Sunday sa TV5 tungkol sa pagbubukas ulit ng kaso tungkol sa custody ng kanilang mga anak ni Yilmaz Bektaz.

Sa Paparazzi Express, hindi na napigilan ni Ruffa ang mapaiyak. Gusto kasi ni Yilmaz na dalhin o papuntahin ang kanilang mga anak sa Turkey para makasama ang mga ito for two weeks.

Pero natatakot si Ruffa dahil baka hindi na pabalikin sa Pilipinas ang mga anak. Puwede naman daw dalawin na lang ni Yilmaz ang mga bata dito sa ‘Pinas.

Inamin din ni Ruffa na bibigyan daw siya ng $4 million ni Yilmaz basta papuntahin lang ang kanilang mga anak sa Turkey.

Tumanggi si Ruffa dahil parang gusto raw palabasin ni Yilmaz na puwedeng tumbasan ng pera ang pagmamahal niya sa kanilang mga anak.

“Last year pa nagpasya ang korte na sa akin ang custody sa mga bata. Puwede naman niyang bisitahin sa Pilipinas ang mga bata kahit anim na buwan pa, okey lang. Pero ang dalhin o papuntahin ang mga anak ko sa kanilang bansa, hindi ako comfortable,” say ni Ruffa.

Sa isyung nilulustay daw niya ang pera ng kanilang mga anak, sagot ni Ruffa, wala raw siyang tinatanggap na sustento mula kay Yilmaz.

“Baka akala ni Yilmaz ay malaki ang ibinayad sa aming mag-iina nang mag-pose kami sa isang magazine. Eh, wala namang bayad ‘yun. Tinanggihan ko ‘yung $1 million na ibinibigay niya dahil ‘di naman ako mukhang pera,” kuwento pa ni Ruffa.

Ask namin kung kukuha ba siya ng bodyguards para sa proteksyon nilang mag-iina, mabilis na sagot ni Ruffa: “Naku! sa akin na lang ‘yan. Sa nangyayari ngayon, mahirap nang magsalita.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply