NBI clearance 3 araw nang hindi available

DAHIL sa napasong kontrata sa pagitan ng National Bureau of Investigation at Mega Data Coprorataion, ang service provider para sa Clerance Processing System, tatlong araw umanong hindi nakakakuha ng clearance ang mga nag-aaplay ng trabaho.

Napag-alaman sa ulat na ang kontrata ng NBI sa Mega Data Corporation ay nag-expire nitong June 30, 2011 at hindi na rin ni-renew ng NBI  alinsunod sa GPPB Resolution No. 23-2007.

Bunsod nito, mula July 1 hanggang July 3 ay pansamantalang hindi makakakuha ng publiko ng NBI clearance gayuman ibabalik ito sa July 4 sa iba’t ibang lugar tulad sa Robinsons Place (basement1 ) sa Ermita; Robinsons Otis (level2); Robinsons Galleria East lane,  Basemnet 1; Robinsons Metro East Pasig (Level 4);  Robinson Canita (Level 2); Quezon City hall; Mandaluyong City Hall; Marilao Municipal Hall at Las  Pinas City Hall.

Nauna nang nakukuha ang NBI clearance sa mismong tanggapan nito sa Taft Ave., Manila bago inilipat sa Stra Cruz, Manila at ang pinakahuli ay sa Victory building sa Monumento, Caloocan City Gayunman, magpapatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa pag-iisyu ng NBI clearance sa iba’t ibang Regional at District Offices nationwide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply