NBI satellite sa mga mall

PLANONG maglagay ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga satellite office sa mga sinehan sa malls upang mabawasan na rin ng pagdagsa ng mga aplikante na nagiging sanhi ng trapik araw-araw sa main office sa Taft Avenue, Maynila.

Sinabi ni NBI Director Magtanggol Gatdula, pumasok na umano sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang may-ari ng Ever Gotesco Mall para makapaglagay ng NBI satellite office.

“We are bringing the services of the people to them by putting up satellite offices in malls like the Ever Gotesco Malls. We are thanking them (may-ari ng Ever Gotesco) for letting us put up our NBI clearance branch,” ayon kay Gatdula.

Layon umano nito na mas mapabilis at maging komportable sa publiko ang pagbibigay ng serbisyong NBI.

Sa ilalim ng MOA, maglalagay ng NBI satellite office sa Ever Gotesco Commonwealth sa Quezon City, Ever Gotesco Manila sa Recto, at Ever Gotesco Central sa Caloocan City.

Sa sinehan umano ng mga naturang malls ilalagay ang opisina ng NBI na kayang mag-proseso ng  may 1,000 aplikante kada araw.

Samantala, humingi rin ng paumanhin sa publiko si Gatdula dahil sa naging mabagal ang pagproseso ng NBi clearance noong mga nakalipas na araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply