Negosyante binaril sa loob ng sariling tindahan

PATAY ang isang negosyante na nagmamay-ari ng isang burger stand makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek kaninang madaling araw, Hulyo 2, sa Quezon City.

Dead on the spot sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na nakilalang si Joseph Bacoloman, 36.

Sa inisyal na ulat ng Police Station 4 ng Quezon City Police District, naganap ang insidente pasado alas-12:00 ng madaling araw sa loob ng tindahan ng biktima na matatagpuan sa S. Francisco st., Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Sinasabing nagbabantay ng tindahan ang biktima ng biglang lumapit ang dalawang kalalakihan at nagpanggap bilang customer sabay bigla na lamang naglabas ng baril at pinaputukan ang walang laban na biktima.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre .38 na baril ang biktima na naging sanhi na agarang kamatayan nito.

Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng biktima dahil wala naman umanong napapabalitang kaaway ito.

Gayunman, isinantabi naman ng mga imbestigador ang anggulo na holdap o pagnanakaw ang motibo sa pagpaslang makaraang madiskubre ng mga awtoridad na hindi nagalaw ang pera na kinita magdamag ng biktima na nasa loob ng isang drawer.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply