Negosyante, misis dinukot sa Jolo, Sulu

DINUKOT ng anim na armadong lalaki ang isang negosyante at asawa nito sa Jolo, Sulu, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jose Batronel, 57 at misis na si Rosely, 37.

Ayon kay Director for Integrated Police Operations-Western Mindanao Felicisimo Khu, dinukot ang mag-asawa sa kanilang boarding house sa Sitio Barrio sa Barangay Walled City.

Nagpaputok pa umano ng baril ang mga kidnapper bago sapilitang kinaladkad ang dalawa kasama ang kanilang helper na si Julie Latorre sa kulay pulang tamaraw jitney na walang plaka.

Nakatakas naman si Latorre sa pamamagitan ng pagtalon sa sasakyan habang umaarangkada ito patungong Gandasuli Road.

Narekober ng awtoridad ang isang empty shell at isang bala ng kalibre 45.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply