Negosyante nagpakamatay

HINIHINALANG nagpakamatay ang isang negosyante na natagpuan sa loob mismo ng kanyang kotse na nakahinto sa loob ng establisimiyento sa Purok 7, San Fermin, Cauayan City umaga ng Biyernes, Hulyo 29.

Nabatid na natagpuang patay si Manuelito Dela Cruz, 40, residente ng San Juan, Balagtas, Bulacan sa loob ng kanyang kotseng Kia Zorenta(MZQ 991) bandang 7:00 ng umaga .

Base pa sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, dumating kahapon ng 3:00 ng madaling araw si Dela Cruz mula sa Bulacan kung saan ipinarada niya ang kanyang kotse sa loob ng Gemma Palay Buying Station na pag-aari ng kanyang negosyanteng kapatid na si Gemma.

Pinabuksan na ni Gemma sa kanyang mga tauhan ang kotse ng kapatid nang hindi pa siya bumaba dakong 7:00 na ng umaga at laking gulat na lamang nila nang makita ang biktima na may tama na ng baril sa kanyang ulo at patay na.

Nakuha sa loob ng sasakyan ang caliber .40 na may 11 bala at bote ng alak na pinaniniwalaang ininom ni Dela Cruz tinapos ang buhay.

Sinasabing matinding problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Dela Cruz kung saan nag-text pa umano siya sa kanyang kapatid na magpapakamatay na lang dahil sa matinding problema.

Nakatakdang isasailalim sa autopsy ang bangkay ni Dela Cruz para matiyak na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply