Negosyante patay sa ambush

PATAY ang isang negosyante ng isda matapos pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kaninang umaga, Hulyo 5.

Dead on the spot sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Danilo Perez, 54.

Ayon kay Chief Inspector Manuel Castillo, chief of police ng Sto. Tomas, lulan ng tricycle si Perez nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang lalaki bago mag-alas-9:00 ng umaga.

Patuloy naman aniya ang kanilang pagtugis sa salarin na tumakas lulan ng pampasaherong jeep patungong Tanauan  o  Calamba.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang motibo sa insidente. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply