Negosyante tinangkang iligpit

KRITIKAL ang kalagayan ang isang negosyante matapos itong barilin sa tabi ng kanyang asawa ng hindi pa nakikilalang dalawang suspek sa loob ng kanilang kotse Biyernes ng madaling araw sa loob ng Central Market sa F. Sevilla st., San Agustin Malabon City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa MCU hospital sanhi ng tinamo nitong punglo ng baril sa katawan ay nakilalang si Ma. Concepcion Garcia, 24.

Isang manhunt operation ang agarang ipinag-utos ni Sr. Supt. Cornelio Barrios sa kanyang mga tauhan para sa agarang ikadarakip sa dalawang hindi pa nakikilalang riding in tandem na suspek

Sa ulat ni P/Insp. Delata Navrra, chief ng Station Investigation Division ng Malabon Police, dakong alas-3:20 ng madaling araw ng maganap ang insidente  sa parking space ng ng nasabing palengke.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa kanilang Toyota Altis na kulay dark blue na may plakang XBE-586 at minamaneho ng kanyang asawa na si Soldeo Cruz para pumarada sa nasabing parking area.

Habang ipinapasok ang sasakyan sa parking area ay agad itong sinalubong ng riding in tandem na suspek sakay ng kanilang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka at mabilis na nagbunot ng baril at pinaputukan si Soldeo subalit dumaplis ang bala at asawa nito ang tinamaan sa tiyan.

Matapos na maisagawa ang pamamaril mabilis na pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo habang ang duguang biktima ay mabilis na dinala sa nasabing pagamutan.

Nakarekober ang mga imbestigador ng ilang empty shells ng kalibre .45.

Kaugnay nito ay patuloy ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung ano ang tunay na motibo sa tangkang paglikida sa mga biktima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply