Negosyante todas sa riding in tandem

SA KABILA ng  paghihigpit sa seguridad dahil sa nalalapit na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III, nakalusot pa rin ang riding in tandem makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang lalaki nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 15, sa Pasay City.

Agad na namatay dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo ang biktimang na nakilalang si Jaypee Namasan, 36, may negosyong buy and sell at naninirahan sa No. 563 Juan Luna street ng naturang
lungsod.

Sa ulat ng Pasay Police, naganap ang pamamaslang dakong alas-4:00 ng hapon sa may Espiritu street, Cabrera ng naturang lungsod.

Nakasakay ang biktima sa kanyang motorsiklong Yamaha (2046-UF) nang tumabi ang isa ring motorsiklo lulan ang dalawang salarin.

Hindi na nakailag pa ang walang suot na helmet na biktima nang agad na barilin ito nang malapitan sa ulo ng mga salarin na mabilis tumakas sa hindi mabatid na direksyon tangay ang cellphone ng biktima.

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng naturang krimen.  Nabatid na may negosyo ang biktima ng buy and sell ng cellular phone na maaaring may kaugnayan ng pamamaslang sa kanya.  Ayon sa mga kaanak
nito, may nag-text umano sa biktima bago ito nagpaalam sa kanyang misis na may kakausapin lamang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply