Negosyanteng Tsinoy binoga, dedo

UTAS ang isang negosyanteng Tsinoy sa Philippine Airlines matapos itong abangan at barilin sa ulo ng dalawang di nakilalang salarin Miyerkules ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Frederick Pamillo y Mercado, 51, residente ng 2318 Gamban St.,Tondo,Maynila.

Pinaghahanap naman ang dalawang di nakilalang salarin matapos ang insidente.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan at PO2 Herminio Caligagan, dakong 7:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon kay Tommy Tablico, testigo, utility boy, binuksan niya ang gate at siya ring nagsara nito dahil lumabas ang biktima lulan ng puting van na Hyundai SVH (ZMS 743) ng bigla na lamang nilapitan ito ng dalawang salarin at agad na binaril ng tatlong beses ngunit isang tama lamang ng di mabatid na kalibre ng baril ang tumama likurang bahagi ng ulo ng biktima.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital ang biktima subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply