Negros nagtala ng 344 aftershocks – Philvocs

NAGTALA ng 344 aftershocks sa lalawigan ng Negros matapos itong lindolin ng 6.2 magnitude noong Martes, ika-12 ng Hulyo, ayon sa Philvocs.

Nabatid na patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang Negros Trench dahil sa ito ang naging sanhi ng naturang malakas na pagyanig. Ayon kay Joe Molas, science research analyst ng Philvocs na nakabase sa Negros Oriental, hindi nila batid kung kailan titigil ang paggalaw ng tectonic plates sa naturang lugar.

Patuloy naman nagpaalala ang Phivolcs na maging alerto dahil wala umanong silang kakayahan na sabihin kung kailan eksaktong tatama ang isang malakas na lindol sa kahit anong lugar.

Samantala wala naman naiulat pang mga nasira o nasaktan sa mga naturang pagyanig.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply