Negros Occidental patuloy na niyayanig ng lindol

SUNOD-SUNOD na aftershocks pa ang naranasan sa mga lugar sa lalawigan ng Negros Occidental na tinamaan ng malakas na lindol kaninang madaling-araw.

Pasado alas-5:00 ng hapon kanina nang muling yanigin ng malakas na lindol ang lugar kung saan umabot na sa anim na aftershocks ang naramdaman sa kanilang bayan.

Kaugnay nito, pinangangambahan naman ang pagtama ng tsunami.

Kaugnay nito, nagsiuwian na ang daan-daang residente sa lugar mula sa kanilang trabaho, habang nananatili naman sa evacuation center ang mga resideneng galing sa mga bulubunduking bahagi ng bayan.

Napag-alaman na alas-6:00 ng umaga kanina nang makatanggap ang mga residente ng sulat mula sa municipal government para sa evacuation sakaling may tsunami warning na ipapalabas.

Kaugnay nito, sinuspinde ang mga trabaho at klase bukas sa buong bayan ng Hinobaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply