Next year ulit

GUSTO kong samantalahin ang pagkakataong ito para ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang ika-97 anibersaryo noong Miyerkules, Hulyo 27.

Malaki ang paghanga ko sa institusyon ng INC dahil sa pagiging simbolo nito ng katatagan, pagkakaisa at pananampalataya. Iilan lang ang ganitong uri ng institusyon na meron ang ating bansa kung saan ang mga miyembro, mga kasapi, ay buong puso ang suporta sa prinsipyo at doktrina ng kanilang paniniwala at pananampalataya.

Maligayang kaarawan INC! Sana ay patuloy ninyong ibahagi sa sambayanan ang ehemplo at inspirasyon ng katatagan ng inyong samahan.

Hangad ng bayan ang patuloy ninyong tagumpay.

Sa ibang isyu naman, ay ang hamon sa House of Representatives na maipasa ang tinataguriang “priority bills” ngayong nag-umpisa na nitong nakaraang Lunes ang 2nd regular session ng 15th Congress.

Ano  nga  ba  ang  sakop ng priority bills na ito?

Ang alam ko ay napapaloob ang mga ito sa kategorya ng Human Development, kung saan nakapaloob ang isyu ng trabaho at suweldo, edukasyon, kalusugan, pabahay at solusyon sa kahirapan; ang kategorya ng Ekonomiya; ng Seguridad ng indibidwal at ng bansa at Imprastraktura.

Siyempre kung ako ang tatanungin, dapat prayoridad pa sa mga prayoridad na mga panukalang batas ang lahat ng isinusulong ng ating mga mambabatas sa ilalim ng kategorya ng Ekonomiya.

Mula kasi roon ay puwede nang maiangat ang iba pa. Pera ng bayan muna ang una, malagyan ng laman ang kaban ng bayan at magasta para sa bansa.

Martes pa lang ng linggong ito ay nagsimula na ang mas malaking hamon kay PNoy, ang paghahanda sa kanyang susunod na SONA dahil tiyak sa kanyang ikatlo ay mas iigting ang pagnanais ng bayan na marinig, makita at maramdaman ang resulta ng kanyang mga ipinangako at iba na ang magiging sitwasyon sa Hulyo ulit sa isang taon dahil may isang taon na ulit mula ngayon ang tropa ni Aquino para magtrabaho.

Suportahan natin ang administrasyong ito, ipagdasal natin si Noynoy dahil para sa atin din ang kanyang tagumpay!

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.  Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply