‘NFA rice’ nakalason sa mga bata sa evacuation center

IPINAHAYAG ng National Food Authority (NFA) sa GenSan na hindi ang NFA rice ang sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ng apat na bata sa evacuation center.

Ayon kay Engr. Lester Malana, NFA provincial manager, naalarma sila sa report dahil NFA rice ang sinisisi sa pagkakasakit ng mga bata.

Sinabi ni Malana, mahigit sa 220 sako ng iron-rich fortified ang binili ng City Social Welfare and Development Office para sa evacuees bunsod ng pagbaha sa GenSan.

Naniniwala naman si Malana na posibleng ang hindi maayos na pagluto ng bigas ang sanhi at hindi talaga ang kanilang bigas dahil fit for human consumption ito.

Nabatid na mismo ang mga magulang ng mga bata ang nagsabi na ang kanin na kinunsumo nila ang dahilan ng pagkakasakit ng mga bata dahil hindi na umano maganda ang amoy.

Handa na ring mag-imbestiga ang NFA para malaman kung ano talaga ang sanhi ng pagkaospital ng mga bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply