Nilusaw ng Petron Blaze ang Alaska Aces sa OT

HINDI naglalayo sa 48-minutong regulation play ang Petron Blaze at Alaska Aces na kinailangan pa ng extra 5 minutes para lusawin ng Boosters ang Aces sa manipis na kalamangan sa iskor na 82-81 sa pagbabalik laro ng PBA Governors Cup sa Big Dome Linggo ng gabi.

Tumapos si Arwind Santos ng 22 puntos, 19 rebounds, kabilang dito ang mahalagang jumper, 2:10. Nagmarka din ito ng pangika-15 double-double ng dating FEU pointmaker sa PBA season.

Si import Jeremy Wise ang nagdala ng opensa sa Blaze sa overtime period na kumana ng 18 points, 15 dito ay sa 4th quarter at sa extra period.

Sa panalo ng Blaze ay nakapantay nila ang Derby Ace sa 3rd position tangan ang 3-2 slate. Samantala, nasingitan ng Powerade Tigers ang Rain or Shine sa iskor na 98-96 na naglaglag sa Elasto Painters sa top position na nabawi ng Talk N’ Text.

Magbabalik sa Big Dome ang labanan ng Meralco Bolts kontra Air21 Express na susundan ng laro ng B-Meg Derby Ace Llamados kontra Petron Blaze dakong 7:40 ng gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply