Nissan shifts the way you move

CLARK, PAMPANGA — Pormal nang ipinakilala ng Nissan Motor Philippines, Inc. ang kanilang dalawang pinakabagong sasakyan – ang 2011 Nissan X-Trail CVT at ang 2011 Nissan Teana sa ilang miyembro ng media at ilang mga panauhin noong isang linggo.

Nagpaunlak ng isang weekend getaway na pinamagatang “Nissan On-road/Off-road Weekend Experience” ang nasabing kompanya kung saan nagkaroon ng pagkakataong ma-test drive ng mga panauhin ang Nissan Teana papuntang Pampanga o di kaya’y sumabak sa dirt track tulad ng ginawa sa X-Trail.

Hindi binigo ng X-Trail ang mga bisitang sumabak sa off-road driving na habol ay adrenaline rush.  Nasubukan ang tibay ng X-Trail sa 4×2 rally cross, all-wheel drive rally cross at 4WD severe off-road condition.

Tampok sa pinakabagong Nissan X-Trail ang  XCVT  (Xtro¬nic Continuous Variable Transmission) na garantisado ang stress-free, ”no-shift-shock” na pagmamaneho, on-road o off-road man.

Ang X-Trail CVT ay mas lalo pang pinalakas ng QR25DE, 2.5L na makina, 170 HP, at 230Nm ng torque.

Hi-tech rin ito dahil sa all mode 4x electronically controlled 4WD system, mode control dial para sa pagpili kung 2WD o 4WD. Di tulad ng mga naunang modelo na nasa gitna pa rin ang instrument panel, nakalagay na rito ang isang multimedia system na may 6.5″ LCD screen kung saan makikita rin ang mga control para sa iPod/DVD, hands-free calling, nationwide GPS, at ang CCD (Charge-Coupled Device) reverse camera na may night-vision at maaaring gamiting gabay sa pagpaparada ng sasakyan sa mga masisikip na lugar.

Ang 2011 Nissan Teana naman ay dinisenyo para sa mga marangya ang panlasa sa sasakyan.

Maliban sa pagkakaroon ng hi-tech equipment tulad ng sa X-Trail, ang premium sedan na ito ay mayroon ring triple meter cruiser, push-button ignition, at top-load sun roof.

Ang exterior ng Teana ay gawa sa hydrogen-free valve lifter diamond-like carbon coat (kauna-unahan sa buong mundo) at 980 MPA Ultra Steel, na mahahalintulad sa French Nuclear Submarine.

Ang Teana ay matuturing na isa sa mga top-of-the-line sedans dahil ang makina nito ay ang award-winning VQ-V6 variant, may 3.5L engine displacement, 10.3 compression ratio, 250 hp at  torque na 335 Nm.

Tampok rin sa sasakyang ito ang teknolohiya ng XCVT, 6 pillar chassis structure, at vehicle speed sensing power steering.

Ang 2011 Nissan Teana ay binuo alinsunod sa European Design Concept.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply