Nora Aunor, sure na ang pagdating sa Pinas

NGAYON pa lang ay sobrang excited ang mga fans ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor ukol sa balitang pagbabalik-Pinas nito. Isa nga, tito Pete, sa nananabik sa sinasabing pagbabalik Pinas na ito ng aktres ay ang kaibigan nating si Jobert Sucaldito.

Ayon pa kay tito Jobert, may isang proyekto daw kasing gagawin si mama tungkol sa  buhay ng bayaning si Emilio Aguinaldo kung saan gagampanan ito ng magiting na gobernador ng laguna at anak-anakan ni tito Jobert na si Gov. ER Ejercito.

Actually, hindi lang si tito Jobert ang sobrang excited sa pagbabalik-Pinas na ito ng ating nag-iisang superstar dahil nang makarating sa mga fans ni ate Guy na nagkausap na pala ang idol nila at mga producer ng nasambit na movie ay mas may tiwala na ang mga ito (fans ) ngayon sa balitang pag-uwi dito sa bansa natin ng nanay nina Lotlot de leon, Ian, at Matet. Maging si ER Ejercito na gaganap bilang Capt. Emilio Aguinaldo, ay nakausap na ang aktres at nagkaayos na sila.

Kumbaga’y plantsado na ang usapan sa pagitan ng mga producer at si mama guy.
Isa na rin siguro ang inyong lingkod sa matutuwa sa oras na  makabalik-Pinas ang kanyang idol ngayong buwan ng August dahil ito ang buwan at petsa ng kaarawan natin.

***

Samantala, sa isang Spa sa may kahabaan ng Timog Quezon City ay sobrang iniiwasan na ng mga guwapong masahista ang isang dating TV host. Alam nyo ba na sa may pintuan pa lamang ng naturang spa kapag nakikita nila (mga masahista) itong baklitang TV-host, sorang pagtatago na ang kanilang ginagawa. Sobrang maarte raw  kasi ang baklush na TV-host at kung anu-ano pa ang gustong ipagawa sa mga masahis-  ta. Dahilan para iwasan  siya ng mga hombre roon.

Bukod pa rito, napakakuripot raw magbigay ng tip ang nasambit na dyokla. Pastor raw ito. Nakikinig sa mga pangaral  ng kanyang fadir. Kung buhay lamang marahil ang lola ni bading na TV-host baka nakatikim na ito ng sapak.

***

Ngayon pa lang ay hinuhulaan na naming may mararating sa kanyang pag aartista ang bagong alaga na ito ni Boy Pilapil na si Norris John. Isa siya sa  tatlong bidang lalaki sa pelikulang Dulas ni Direk Jigs Recto itong papabol na si Norris John. Anyway, sang-ayon sa beteranong talent manager na si Boy Pilapil, sinasabihan daw niya ang kanyang alaga na dahan dahan lang muna ito sa paghuhubad.

Kwento nga pala ng kabadingan ang Dulas kaya siguradong may laplapan sa kapwa niya mga boys ang bagong alaga ng aming kaibigan.

Anyway, sa tanong namin sa naturang talent manager kung may mga indecent proposals  na bang natatanggap mula sa mga bading na mayayaman ang kanyang alaga, humalakhak lamang ng malakas ang kaibigan namin.

‘Yun na!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply