Northrail project ipinapatuloy kay Roxas

UMAPELA ang mga opisyal ng Regional development Council sa Gitnang Luzon  kay bagong talagang kalihim ng Department of Transportation and Communications Mar Roxas  na ipagpatuloy ang naantalang Caloocan-Malolos Northrail Project.

Ang kontrobersyal na proyekto na sinimulan sa ilalim ng administrasyong Ramos at ng kumpanyang Chino na SinoMach ay 22.9 porsyento pa lamang ang natatapos ng ipahinto ng pamahalaan ang proyekto noong nakaraang Mayo.

Ayon kay Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado, chairman ng RDC Sectoral Committee on Infrastructure Development, ang mga materyales para sa riles sa kahabaan ng 32 kilometrong proyekto hanggang Malolos ay kinakalawang na at ninakaw na ang iba.

Nailagak na umano ang 800 na mga concrete piles na magsisilbing pundasyon ng mga riles mula Caloocan, Balagtas, Bocaue, Guiginto at Malolos, Bulacan ng matigil ang proyekto noong Mayo kung saan naiwang nakatiwangwang ang mga materyales sa mga riles.

Nauna ng natigil noong 2009 ang proyekto ng baguhin ng pamahalaan ang ibang disenyo sa plano na magdaragdag ng pondo dahil sa mga rebisyon na ikinabahala ng SinoMach dahil sila umano ang nagpondo ng naturang proyekto.

Tuluyan ng pinatigil ng North Luzon Railway Corp. ang kontrata ng SinoMach noong Mayo kung saan sinibak ang 70 mga tauhan nito.

Ayon sa alkalde, ang pagpapatuloy ng nabanggit na proyekto sa lahat ng bayang dadaanan ng proyekto ay maghahatid ng kaunlaran sa Gitnang Luzon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply