Now showing: Manoling Morato vs Margie Juico

SA araw na ito, sa kagalang-galang na Senado, mapanonood ang napakagandang pelikula ukol sa pamahalaan.

Yun bang === banggaan nina Manoling Morato at Margie Juico ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Dating chairman si Manoling habang kasalukuyang boss naman si Marging, ehek, Margie.

Ukol sa korapsyon, multi-bilyong pisong korapsyon sa PCSO, mga Bro, ang kanilang paglalabanan.

Kung sino-sino silang korap, kung magkano ang kinorap at kung ano-ano pang kabuwisitan diyan sa PCSO sila magkakalmutan, este, magbabalitaktakan.

AMBULANSIYA AT POSAS

Siguro, dapat na maghanda nang husto ang Senado para sa hearing nito ngayong araw.

Alam ba ninyo ang mga dapat nilang ihanda bukod sa mga papeles na isinumite sa kanila ng mga taga-PCSO kahapon?

Aba, dapat kabilang diyan ang ambulansiya, posas at doktor.

Sapagkat sigurado tayong may tataas ng dugo riyan.

Sigurado tayong magkakaroon ng pagtuturo riyan kung sino-sino ang mga dahilan ng pagkakawaldas ng mga ambulansiya, pondo, gamot at iba pang ipinamimigay ng PCSO sa mga mahihirap at maysakit.

Aaaat…para sa mga mayayaman na rin at korap.

ANGHEL VS DEMONYO VS ANGHEL-DEMONYO

Tiyak namang maghahalo ang balat sa tinalupan sa Senado ngayon.

Ang mga nagsasabing sila’y mga anghel ay anghel o demonyo pala at ang mga nagsasabing demonyo ang iba ay anghel pala o talagang hayup sa pagkademonyo.

Baka mahihirap pa nga tayong mangilatis kung sino-sino talaga ang mga demonyo at anghel.

Baka ang ending natin ay pinaghalong anghel at demonyo ang mga iimbestigahan nina Manong Johnny.

May dalawang binanggit kahapon na sapilitang dadalo ngayong araw sa hearing.

Pero sina Manoling at Ms. Margie, sana ay parehas na present.

Dito mabubuksan ang susi sa maraming misteryo sa PCSO tulad ng sinasabing Pajero na ipinamigay pero wala naman yata talagang Pajero.

O manood, makinig at magbasa sa pelikulang Morato vs Juico

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply