Noynoy excited na sa ikalawang SONA

EXCITED na si Pangulong Benigno Aquino III na ihayag ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) bukas, Hulyo 25, 2011.

Sa katunayan ay hindi na umano dalawin ng antok ang Chief Executive dahil sa ginagawa niyang paghahanda.

Paulit-ulit umanong pinapraktis ng Pangulo ang kanyang sasabihin sa sambayanang Filipino subalit hindi patama sa dating administrasyon kundi sa mga gagawin ng niya para sa ikauunlad ng bansa.

“The President will talk about transforming our society, ang pahayag ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang.

Dismayado naman ang Malakanyang dahil sa napaulat na hindi na pagdalo ni Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo sa SONA ni Pangulong Aquino dahil para sa Malakanyang ay ang dating lider sana ang “special guest” ng Punong Ehekutibo.

Nauna rito, maging ang mga mambabatas ay aabangan din ang mga ihahayag ni Pangulong Aquino III sa kanyang SONA.

Sa ulat, sinabi ni  House Speaker Feliciano Belmonte, partikular na inaasahan nila na sasabihin ng Pangulo ay ang mga konkretong plano nito para sa bansa.

Una nang ipinagmalaki ng Malakanyang na maliban sa tinatawag na “motherhood statements” ay mayroon ding mga ilalatag na mga plano ang Pangulo sa kaniyang SONA.

Sa harap nito, tiniyak naman ng liderato ng mababang kapulungan na habang naghihintay ang Kongreso ng “clear national direction” mula sa Pangulo, ay tuloy ang kanilang trabaho sa pagbalangkas ng mga policy reforms.

Sa katunayan, inihayag ni Belmonte na mayroon pang 23 additional priority measures silang nakahanay sa pagsisimula ng second regular session.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply