NPA camp nakubkob ng militar

PATULOY ang isinasagawang hot pursuit operation  ng 19th Infantry Battalion sa pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na makubkob ang isang kampo ng rebelde sa bulubunduking bahagi ng Carigara, Leyte kaninang umaga,  Hulyo 20.

Sa report ni Army  Lt. Col. Federico Tutaan, battalion commander ng Philippine Army 19th Infantry Battalion,  umabot sa halos 20 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang  grupo at pinaniniwalaang may nasugatan sa panig ng mga rebelde base na rin sa nakitang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyari ang engkwentro.

Tinatayang  mahigit sa 20 mga rebelde ang nakasagupa ng militar na agad namang umatras ng maramdaman ang presensiya ng isa pang pulutong mula sa  19th IB. Sinasabing grupo ng Apoy platoon ng NPA ang kapalitan ng putok ng mga tropa ng pamahalaan sa naturang lugar.

Sa ngayon ay nagsasasagawa ng inventory ang militar sa mga narekober na mga gamit na natagpuan sa sinasabing kuta ng mga NPA. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply