NTC tatapyasin ang interconnection charge sa call at text

BILYONG halaga ng kita ng mga kumpanya ng telecommunications ang mawawala sa oras na maaprubahan ang balakin ng National Telecommunications Commission (NTC) na tapyasin ang singil ng mga kumpanya sa mga tawag at text sa labas ng kani-kanilang mga networks.

Aminado naman ang isa sa pinakamalaking kumpanya ng telekomunikasyon sa Pilipinas na Globe Telecom na ang mga singilin sa mga text at tawag sa Pilipinas ang siyang pinakamataas sa mga bansa sa Asia-Pacific kaya’t gaano man kabigat ang ipatutupad ng NTC ay susuportahan nila ito at makikipagtulungan sa ahensya ng pamahalaan upang makaisip ng paraan na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang kumpanya.

Hindi naman pabor ang Smart Communications sa panukala ng NTC at nagsabing mas mataas ang singil sa Pilipinas dahil sa taas ng mga materyales na inaangkat pa ng kanilang mga kumpanya sa ibang bansa samatalang ang ibang kumpanya ng telekomunikasyon sa ibang rehiyon ay hindi na kailangang umangkat dahil may mga produkto na sa kanilang mga bansa .

Natuwa naman ang grupong TXTM8 TAYO Inc. sa nasabing panukala at nagsabing dapat ay matagal na itong ipinatupad dahil magbebenepiyo ang industriya at ang publiko. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply