O PNoy, gagamitin ba ang wang-wang sa peace bond?

NAKABIBINGI ang wang-wang ni PNoy sa paghahabol sa mga abusado at tiwali.

Kahit maysakit na ang isang pinaghihinalaang gumawa ng kabulastugan sa gobyerno, hindi umano pupuwedeng pigilin ang wang-wang na habulin at kornerin ito.

Ganito katindi ang wang-wang nina PNoy.

Oki naman sa atin ito, pero dapat isama ang mga dapat habulin at hindi lang ang mga pinipiling habulin.

Ang Korte Suprema mismo ang nagsasabi nito. Matatandaan ninyo, Suki, ang Truth Commission ni PNoy na nilikha ng kauna-unahan niyang kautusan o Executive Order No. 1?

Ibinasura nina Tsip Jastis Renato Corona ang EO No. 1 at Truth Commission dahil si Gloripie at mga kakosa lang nito ang gusto nitong wangwangin.

Paano nga naman ang mga abusado at tiwali sa bakuran ni PNoy?

oOo

Dito natin naalaala ang proyektong PEACE (Poverty Eradication and Alleviation Certificate) Bond ng ilang KKK ni PNoy ngayon.

Noong 2001, itinulak ng mga KKK ni PNoy ang gobyerno na umutang sa bangko ng P10 bilyon at kumita ang mga KKK ng may P1.48B komisyon para umano sa pag-angat sa kalagayan ng mga mahihirap.

Ngayong 2011, lumobo na ang utang sa P35B.

Noong iniimbestigahan nina Sen. Serge Osmeña ito, may naamoy silang mabahong-mabaho.

Kahit tanungin niyo pa si Sen. Serge na nakabalik na sa Senado.

Itong umalingasaw ba mula sa PEACE Bond ay hindi pupuwedeng habulin ng wang-wang ni PNoy?

Sen. Serge, sakaling maisipan ninyong irebyu ito at tingnan kung may katiwalian dito o wala, mungkahi nating magpatulong kayo kina Ms. Dinky Soliman at Ms. Ding Velez sa imbestigasyon.

Matutulungan ka nila rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply