Obispo: Ano ang bago sa panahon ni PNoy?

WALANG nakikitang pagbabago ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa loob ng isang taong pamumuno ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa bansa.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), hanggang ngayon ay walang kongkretong paraan ang administrasyong Aquino sa paglaban sa korapsyon.

Pareho lamang aniya ang economic program ni PNoy sa nagdaang administrasyong Arroyo na nakasandal lamang sa foreign investment at capital, sa halip na ipatupad ang national industrialization sa bansa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin aniya nababahagi ng administrasyong Aquino ng pantay-pantay ang yaman ng bayan dahil sa kawalan ng polisiya sa land reform.

Ayon kay Pabillo, bigo rin ang Pangulo na mapatigil ang extra-judicial killings sa bansa, lalo na’t wala naman itong matapang na pahayag hinggil sa usapin.

“Bukod diyan, tuloy pa rin ang pagmimina at kawalan ng programa o paninindigan ng gobyerno sa pangangalaga ng ecology,” ani Pabillo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Hinamon rin ni Pabillo si Pangulong Aquino at mga mamamayang Pilipino na sundin ang isinasaad ng konsensiya hinggil sa usapin ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply