Obispo nanawagan sa paggaling ni GMA

NANAWAGAN ang isang obispo ng Simbahang Katoliko sa publiko na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ito’y kasunod ng nakatakdang pagsailalim ni Arroyo sa isang delikadong operasyon bukas sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mismong siya ay nagdarasal din para sa paggaling ng dating Pangulo.

“We pray for Congresswoman Arroyo,” ani Iñiguez.

Si Arroy ay unang isinugod sa nasabing pagamutan noong Lunes ng hapon.

Ayon sa mga doktor, mayroong cervical spondilosis ang mambabatas kaya’t kinakailangang maoperahan ito upang umabot ang sakit sa pagkaparalisa ng katawan.

Bukas ng alas-siyete ng umaga nakatakdang sumailalim si Arroyo sa cervical spine surgery, na tinatayang aabutin umano ng apat hanggang limang oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply