Obrero utas sa bumagsak na haliging bato

DEDO ang isang obrero matapos mabagsakan ng haliging bato ng ginigibang gusali sa Navotas Sabado ng umaga, Hulyo 30.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Felmar Naval, residente ng 32 AR Santos St., Tangos ng nabanggit ng lungsod.

Sa ulat, dakong 9:30 ng umaga, abala sa paggawa ang biktima sa ginigibang gusali sa F. Pascual St., Tangos ng lungsod para sa renovation ng gusali nang bumigay ang isang haligi nito na yari sa bato.

Hindi na nakaiwas ang biktimang napuruhan na naging dahilan upang dalhin ito sa naturang pagamuitan at tuluyang malagutan ng hininga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply