OFW na bibitayin sa KSA dapat tulungan ng gov’t

MULING dumudulog kay Pangulong Benigno Aquino III ang Migrante International para sa buhay ng isa na namang overseas Filipino worker na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia matapos na hindi tanggapin ang blood money na inaalok sa pamilya ng Sudanese landlord na kanyang napatay.

Kinilala ng Migrante Middle East ang Pinoy na si Joselito Zapanta, tubong Mexico, Pampanga at nakakulong sa Malaz Jail sa Riyadh at nahaharap sa kasong murder at robbery.

Ayon sa grupo, tinanggihan ng pamilya ng biktima ang “diyya” o blood money na kanilang inaalok kapalit ng pagpapatawad sa OFW at para na rin sa ikalalaya nito.

Samanatala, idinudulog din ng Migrante ang kaso ng pagkamatay ng isang Pinoy sa Korea na hinihinalang biktima ng foul play.

Sa ulat, hinihinalang sadyang pinatay ang mangagawang si Alex Villlasista mula sa bayan ng Asingan, dahil kuwestiyunable ang findings ospital na pinagdalhan sa Pinoy.

Hindi umano matukoy ng ospital ang tunay na sanhi ng kamatayan ni Villasista.

Bukod pa rito, nawawala rin ang mga gamit nito at wala ni isa man ang naiuwi sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply