OFW sa Dubai nahulog sa gusali patay

ISANG Pinoy na tagalinis ang namatay makaraang mahulog mula sa ika-9 na palapag ng gusali sa United Arab Emirates noong Linggo, Hulyo 3.

Ayon sa ulat ng Khaleej Times na inilathala kahapon, Martes ng Hulyo 5, nahulog sa gusali si Raymond, 23, nagtatrabaho bilang tagalinis sa isang kumpanya na nakabase sa Al Qouz, madaling-araw ng Linggo, sa Bur Dubai area .

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo si Raymond sa isang hagdang lubid na nakabitin sa naturang gusali na kinokontrol ng isa pa nitong katrabaho upang linisin ang harapan ng glass panels sa naturang tower.

“Due to the lack of coordination, the worker standing on the rooftop released the rope and the victim fell to death,” ayon sa naturang report.

Dinala naman ng awtoridad ang katawan ng biktima sa General Department ng Forensic Medicine para magsagawa ng awtopsiya habang ang katrabaho naman nito na isang Asiano ay nasa kustodiya ng pulisya upang magsagawa ng interogasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply