OFWs sa Kuwait dismayado sa Azkals

DISMAYADO ang maraming overseas Filipino workers (OFWs) sa naging resulta ng dalawang tune-up match ng Philippine Azkals laban sa Bahrain bilang paghahanda laban sa Kuwait sa Sabado.

Nabatid na may 5,000 Filipino spectators ang nanood sa grandstand ng Bahrain National Football Stadium.

Ngunit natahimik ang mga ito nang maka-goal ng tatlo ang kalaban at isa lamang ang nagawa ng mga pambato ng Pilipinas.

Isa naman si Filipina-Bahraini Zoei Al-Shaikh sa mga nagbigay ng updates sa laro ng Azkals.

Katunayan, ang Pinay na may bansag na Dimples_426 ay halos minu-minutong nagtu-tweet.

“Bahrain is a very strong team and it is good the Azkals played against them! They need to face every kind of team to get stronger,” pahayag niya Dimples_426. “A lot of Filipinos here!! Everyone is very proud but are complaining about how not coordinated they were.”

Samantala, nakahanda na rin ang mga Pinoy sa Kuwait sa laro ng Azkals doon.

Ang first leg ng Round 2 home-and-away series sa pagitan ng Philippines at Kuwait ay sisipa bandang 7:30 p.m. sa Sabado sa Mohammed Al Hamad Stadium habang ang second leg ay gaganapin sa July 28 sa Rizal Memorial Track and Football Stadium.

Umaasa naman ang maraming fans na kahit talo ang Azkals sa nakaraang dalawang tune-matches ay kaya pa rin nitong pakainin ng alikabok ang Kuwait.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply