Oh my cheese!

PATOK na patok ang keso sa mga bata, matanda, babae at lalaki. Lalo na kapag sila ay sangkap ng isang pagkain.

Wow, ang sarap, nakadadagdag ang keso sa creaminess ng isang pagkain plus pa ang medyo maalat-alat na lasa nito na nakapag-e-enhance sa lasa.

Prito, inihaw, baked, soup, o may sarsang pagkain ay panalong ihalo ang keso. Maaari siyang ihalo sa fried lumpiang shanghai, meats balls, sa mga pasta gaya ng baked mac at spaghetti, mga creamy soup at sa kung anu-ano pa.

Bukod pa sa mga nabanggit na pagkain kung saan inihahalo ang keso, bida naman ito sa usapang palaman.

Pandesal, monay, sliced bread, tasty at kung anu-ano pang uri ng plain bread, name it, hindi aatras ang paborito nating keso dahil kahit ano ay babagayan ng ating bida, lalo na kung cheddar cheese.

Cheddar Cheese

Cheddar cheese ay nagmula sa English village na tinatawag na Cheddar.

Isa itong firm cheese na galing sa gatas ng baka.

Ang cheddar cheese ang isa sa pinakasikat na uri ng keso hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kadalasan ang kulay nito ay off-white, pale yellow o pumpkin orange colour dahil nilalagyan ito ng dye ng mga tao.

Mayroon ding iba’t ibang flavour ang cheddar cheese na nakadepende sa aging process nito.

Ang mga cheddar cheese na may mild na lasa ay karaniwang prinoseso sa maiksing panahon habang ang malasa ay prinoseso naman sa mahabang panahon na lagpas sa tatlong buwan.

Uri ng cheddar cheese

Mild Cheddar – Kino-consider na young cheddar cheese dahil ang aging process nito ay tatlong buwan lamang. Ito ay may mild na lasa.

Semi-Matured Cheddar -May aging process na mula tatlo-anim na buwan.

Matured Cheddar – Mula anim-12 buwan ang aging process.

Vintage Cheddar – Aging process na 18 buwan

Flavored Cheddar – Itong matured cheddar ay hinaluan ng additional flavour gaya ng bawang, bacon o port wine.

Flavored Processed Cheddar – May extra ingredient tulad ng sibuyas, bawang, curry o pecan nut.

Processed Cheddar – May mild taste at smooth texture.

Cheedam – Ito ay kombinasyon ng cheddar at edam cheeses. Ito ay may mild taste.

Steppen – Isang low-fat cheddar cheese.

Double Gloucester – May mataas na kulay at may tangy flavour.

Cheshire – Medyo acidic ngunit mild. Nakadepende rin sa aging process at maaaring may more prominent flavour.

Cotto – Gawa sa skimmed milk at may fresh-mild flavour.

Red Leicester – May bahagyang lasa ng lemon. Ang kulay nito ay orihinal na mula sa vegetable dye.

Cheese stick

Ang cheese stick ay isang sikat na Pinoy merienda na kabilang din sa mga street food.

Mabilili lamang ito sa halagang P2 bawat isa. Noong nag-aaral pa ang inyong lingkod ay nagtinda kami ng merienda at kasama ang cheese stick sa aming ibinebenta.

Patok ito sa mga bata mula tatlong-taong-gulang hanggang matanda.

Simple lang ang sangkap nito. Kailangang lamang ng medium sized lumpia wrapper, mantika, powdered cheese na ginagamit ding flavoring ng French fries at siyempre ang ating bida, ang cheddar cheese.

Hatiin sa apat o sa tatlo ang wrapper. Hiwain ang cheddar cheese ng pahaba, depende sayo ang kapal nito. Siyempre kapag pangtinda, medyo manipis at kapag naman pangmeryenda sa bahay, aba’y kapalan ito upang mas masarap.

Ibalot ang mga cheese strip, isa bawat hinating wrapper. Sa pinainit na mantika isa-isa itong ilubog. Kapag golden brown na ay hangunin ito at ilagay sa paper towel upang matanggal ang sobrang mantika na sinipsip ng cheese stick. Kapag napatiktik na ang mantika ilagay ito sa plato at budburan ng powdered cheese. Pwede rin namang wala nito upang makaiwas sa food color.

Kung nais naman na medyo espesyal ito, maaaring gawin itong ham and cheese stick. Dagdagn lamang ng ham na hiniwa ng katulad sa cheddar cheese.

Pwede rin itong gawing merienda para sa mga bagets o kaya ay kung mayroon kayong bisita. Kung nais subukan na ibenta ito, maaari rin, lalo na kung maraming bata sa inyong paligid. Patok kasi sa kanila ang masarap at murang meriendang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply