Oil firms pinag-eesplika ng DOE sa price hike

MARIING inatasan ng Department of Energy (DOE) ang mga kompanya ng langis na magpaliwanag hinggil sa panibagong oil price increase ngayon, Martes.

Sinabi ni Energy Undersecretary Jay Layug na bagama’t nag-abiso naman ang mga oil company sa ipinatupad na oil price hike ay nais nilang malaman ang nilalaman ng tamang komputasyon nito.

Ayon pa kay Layug, masyadong malaki ang demand ngayon ng langis sa world market kaya tumataas ang presyo nito.

Una nang nagpataw ang mga oil company ng P1.10 sa kada litro ng diesel, P1 sa bawat litro ng kerosene, 60 sentimo sa regular na gasolina at 30 sentimo sa unleaded gasoline.

Inaasahan ng Energy department na magiging makatwiran ang isusumiteng paliwanag ng mga oil company upang magkaroon ng justification ang ipinatutupad na price increase.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply