Okay lang kay Erich ang love scenes basta’t si Enchong ang kaeksena

NAGING topic sa presscon ng Maria La Del Barrio ang pagpatong ni Enchong Dee kay Erich Gonzales sa isa nilang eksena bukod sa umaatikabong kissing scene nila.

First time daw niya kay Enchong na patungan ng lalaki. Nabigatan ba siya?

“Basta po napaka-alaga ni Enchong, hindi siya nambabastos,” sey ni Erich.

“Basta with Enchong, wala po talagang hesitations, walang awkwardness, wala pong ganun. Basta with Enchong.

“Ang dami na po namin kasing projects na pinagsamahan at sa bawat project po na ’yun, lalo naming nakikilala ang isa’t isa. Talagang naggo-grow kami and wala nang kahit ano’ng inhibitions,” sambit pa niya.

Ready ba siya na ikumpara ang Maria La Del Barrio’ sa dating ‘Marimar’ ni Marian Rivera?

“Wala. Sana ‘wag na magcompare-compare kasi iba naman po ito. Basta kung nagustuhan nila ‘yung original, dito rin po, mamahalin din nila ‘yung Pinoy version natin,” aniya pa.

Kabilang din sa ‘Maria La Del Barrio’ sina Angel Aquino, Ian Veneracion, Assunta de Rossi.

May special role din ang Comedy Queen na si Ms. Aiai delas Alas.

Tampok din si Paw Diaz. Nandiyan din si Arron Villaflor na ka-love triangle nila.Makakasama din sina Jake Roxas, Katya Santos,  Gio Alvarez, Atoy Co, Jane Oineza, Badjie Mortis at K Brosas.

Mula sa masusing direksyon nina Rory B. Quintos at Richard Somes.

Pilit na inuurirat si Julia Montes kay Enchong Dee after ng open forum para sa presscon ng bago nilang serye ni Erich Gonzales na ‘Maria La Del Barrio’ na magsisimula na sa August 15 sa ABS-CBN 2.

Madalang daw ang paglabas nila ni Julia ngayon dahil pareho raw silang busy at dahil sa mga tapings. Hindi naman dahil pinagbabawalan sila or something.

“Ay hindi naman. Hindi naman siguro sila aabot sa punto na ganoon na magbabawal para sa amin.Pero, masisigurado ko na  kahit papaano makakalabas pa rin naman talaga kami,” aniya.

Napagod ba siya sa paghihintay kay Erich kaya nabaling ang atensyon niya kay Julia?

“Hindi naman. Wala naman. Ang pangit naman siguro na dahil hindi ako sinagot ni Erich o hindi ako nagustuhan, sa iba agad. Hindi naman ganoon. Hindi naman ‘yun ang tamang dahilan para mahulog ka sa ibang tao,” aniya pa.

***

MAY malaking break na dumating sa showbiz career ng Television’s Newest Teen Heartthrob at Kapuso Teen Star na si Teejay Marquez  dahil napili siya na maka- kasama sa seryeng ‘Time of my Life’ ng GMA 7 na ipalalabas na sa Lunes na kung saan makakasama ni Teejay sina Mark Herras at Kris Bernal, Rocco Nacino at LJ Reyes.

Pang-primetime na siya at gaganap si Teejay bilang si Chicho. isa siya sa mga striving dancer na nangangarap sumikat at makaahon sa kahirapan. Iikot ang istorya sa dalawang grupo ng mga dancer kung ano ang mga hirap na kanilang pagdadaanan at mga challenges hanggang makamit nila ang kanilang mga pangarap at magtagumpay

“God is Good, All the time po. I guess nakita naman nila ang aking pagpupursige at marahil happy ang mga big boss sa aking performance. Sobrang blessings po ito sa akin. Tanggap lang ng tanggap kung ano pong opportunity binibigay sa akin. Thankful din ako Kay Kuya Germs na siyang unang nagtiwala sa akin at nagtuloy-tuloy na ang lahat ng projects. Utang na loob ko sa kanya ito,” mapagkumbabang bulalas ng gwapong Teen actor.

Kasama rin siya sa top rating teen show na Tween Hearts. Isa rin siya sa regular teen co-host ni Kuya Germs sa Master Showman, Walang Tulugan. Lumalabas din siya regularly sa Party Pilipinas kasama ang kapwa Teen Stars sa Tween Hearts. Kamakailan ay lumabas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply