Ombudsman hinamong kasuhan si GMA sa loob ng 60 araw

HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang bagong upong Ombudsman na si Ret. Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales na kasuhan at ipakulong si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa loob ng 60 araw.

Ginawa ni KMP secretary general Danilo Ramos ang hamon  kasabay nang pagbuo ng kampo ni Arroyo ng pinakamagaling na abogado para idepensa siya sa mga kasong ibinato sa kanya.

Kabilang sa mga kasong inihain laban sa dating pangulo ang limang plunder at kasong katiwalian dahil sa  P728-million fertilizer fund scam.

“60 days is long enough for Carpio-Morales to indict Arroyo and send the brains and ultimate beneficiary of the fertilizer fund scam behind bars. This plunder case has been dragging for more than seven years now,” ani Ramos.

Hindi aniya dapat magpaapekto si Carpio-Morales sa delaying tactics umano ng mga abogado ni Arroyo.

Una nang inihayag ni Atty. Raul Lambino, legal spokesperson ng dating pangulo, na nagbubuo ang kanyang kliyente ng mga pinakamagaling na abogado para idepensa ang dating pangulo.

Ganito rin ang pahayag ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano tunay man aniya na maysakit o ginagamit lamang ang kanyang kondisyon para makaiwas umano sa pagkaaresto at trial, dapat kasuhan ng gobyernong Aquino si GMA.

Isama na rito aniya ang nabulatlat ng Department of Justice (DOJ) ukol sa umano’y dayaan noong 2004 presidential election.

Bunsod na rin sa paglitaw ng mga bagong ebidensiya at saksi na tumutukoy kay Arroyo at kanyang kaalyado na nasa likod umano ng dayaan noong eleksyon.

Sinabi pa ni Mariano na dapat ding tingnan ng DOJ ang posibilidad ng pagkakasangkot nina dating PNP Chief Hermogenes Ebdane Jr. at dating House Speaker Jose De Venecia Jr., na noon ay kaalyado ni Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply