Ombudsman irespeto! — Lagman

ITO ang ipinakiusap ni House Minority Leader Edcel Lagman kay Pangulong Benigno Aquino III matapos hilingin kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na gawin ang dapat sana’y magiging gampanin ng Truth Commission sa paghahabla kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“President Aquino must respect the independenced of the Office of the Ombudsman,” giit ni Lagman.

Matapos ang panunumpa ng bagong Ombudsman ay inanunsyo ni Pangulong Aquino na ang mga dokumento at ebidensya laban sa dating Pangulo at mga opisyal nito na hawak ng Truth Commission ay isusumite at dadalhin sa Ombudsman.

“The president is virtually giving the new Ombudsman marching orders to prioritize the prosecution of his immediate predecessor.”

Sinabi pa ni Lagman na panay ang tira ni PNoy kay GMA dahil sa umano’y pagpapakanlong sa nagretirong Ombudsman na si Merceditas Gutierrez pero gayundin din pala ang kanyang gagawin sa pumalit sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply