Ombudsman Morales hinamon ni Cayetano

HINAMON ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Ombudsman Conchita Carpio- Morales na huwag maging “Ombudsman Merceditas Gutierrez” bagkus ay paigtingin ang kampanya laban sa katiwalian kabilang ang pamilya Arroyo na nasasangkot sa kabila-kabilang asunto.

Sinabi ni Cayetano na dapat malakas ang kasong isasampa ni Morales sa pamilya Arroyo upang hindi maibasura kalaunan sanhi ng mahihinang ebidensiya at kamaliang teknikal na tila sinasadya ng nakaraang Ombudsman laban sa tiwaling opisyal ng gobyerno.

“The President’s success or failure in the anti-corruption campaign will now depend on Ombudsman Morales,” ayon kay Cayetano.

Ayon pa kay Cayetano, makukumpirma o mapapasubalian ngayon ang usapan hinggil sa kawalan ng political will ng gobyerno na kasuhan, litisin at ipakulong ang pamilyang Arroyo kabilang ang kanyang alipores sa gobyerno

Tinukoy pa ng senador na kailangan ngayon ni Morales ang lahat ng suporta mula sa mamamayan dahil nahaharap ito sa matinding tungkulin upang magampanan ang pagiging Ombudsman.

“I hope that she will have the funds, the power and the opportunity to resolve the cases. I hope everyone will give her the support that she needs,” aniya.

Iginiit ni Cayetano na dapat pagtuunan ngayon ng Ombudsman ang pagpapalakas ng kaso laban sa tiwaling opisyal at tiyakin na hindi ito maibabasura tulad nang nangyari sa panahon ni Gutierrez sanhi ng kawalan ng ebidensiya.

“We will also see if those who should be charged will be charged,” aniya.

Ipinaliwanag ni Cayetano na simula nang maluklok si Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo, walang itong ibang ginusto na maging bagong Ombudsman na siyang magsusulong ng anti-corruption campaign.

Kaya’t umaasa ang senador na magiging agresibo ang bagong Ombudsman sa paghahabol ng mga mananagot sa katiwalian at anomalya sa nakalipas at kasalukuyang administrasyon.

“The difference should be evident – from the slow investigation of before to a more aggressive stance of resolving these corruption cases now,” dagdag niya

Sinabi pa ni Cayetano na dapat maituloy sa institutional reforms ang simbolikong paggamit ng administrasyon sa “no wang wang policy” na pantay ang lahat sa mata ng batas at matiyak na walang mangyayaring korapsiyon sa kasakukuyang administrasyon.

“Malaki ang maitutulong nito sa bagong Ombudsman upang maipatupad ang kanyang tungkulin,” giit ni Cayetano. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply