Ombudsman Morales todo security escorts agad

MAY ikinasa na agad na security escorts para kay bagong Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos ideklara ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang appointment sa mismong ikalawang State of the Nation Address nito noong nakaraang Lunes, Hulyo 25.

Nabatid na bago pa man lumabas ng Batasang Pambansa Complex si Morales ay may security escorts na ito upang matiyak ang seguridad ng bagong Tanodbayan.

Nagulat pa ang dating Supreme Court associate justice nang sa mismong SONA pa naanunsyo ang pagkakatalaga sa kanya.

Inamin ni Morales na hindi magiging madali at mabigat ang tungkuling iniatang sa kanya ngunit sisiguraduhin niyang magiging patas sa mga hahawakang kaso at walang katatakutan.

Magugunitang si PNoy mismo ang nagpahayag na si Morales ang bagong Ombudsman na lalaban sa mga tiwali sa pamahalaan.

Kumpiyansa si Pangulong Aquino na sa loob lamang ng taong ito, masasampahan na ng kaukulang kaso ang mga nagsabwatan sa katiwalian at nagpakasasa sa kapangyarihan.

Matitigil na rin ang paghahain ng mga “malalabnaw” na kaso sa husgado sapagkat titiyakin ng kasalukuyang administrasyon na matitibay ang mga ebidensiya, malinaw ang maisusumiteng mga testimonya at hindi makalulusot ang mga lumabag sa batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply