Ombudsman pinupulitika ng Malakanyang – solon

NAKAGAPOS pa rin umano ang kamay ang na dapat sana ay indipendyenteng Tanggapan ng Ombudsman dahil mistulang inutusan ang bagong pinuno nito ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tutukan ang mga umano’y katiwalian ng dating administrasyong Arroyo.

Ayon kay House Minority Floorleader at  Albay Rep. Edcel lagman, dapat ay nagpakita ng respeto ang Pangulo sa nasabing tanggapan at hindi diniktahan ang bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales.

Nakiusap si Lagman sa Malakanyang na huwag makialam sa Ombudsman sa pagtupad nito ng kanyang tungkulin.

Matapos ibasura ng Korte Suprema ang Truth  Commission na ipinanukala ni Pangulong Aquino ay ibinigay ng pamahalaan ang lahat ng mga ebidensya laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ang mga ebidensya ay unang naisakamay ng ibinasurang Truth Commission.

Halatang-halata umano na nagbigay ng “marching order” ang Pangulo sa bagong Ombudsman na iprayoridad ang paghahabol kay Arroyo at iba pang opisyal ng administrasyon nito na gumawa umano ng katiwalian.

Inihayag din ng lider ng oposisyon sa Kamara de Representantes na pinupulitika umano ng Palasyo ang Tanggapan ng Ombdusman, na isang constitutional body at hindi dapat pinapakialaman ng ehekutibo, lehislatura at maging ang hudikatura.

Kung noon aniya ay inaakusahan ni Presidente  Aquino ang pakikialam ni Arroyo kay dating Ombdusman Merceditas Gutierrez, ganoon din naman pala ang gagawin nito sa bagong Ombdusman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply