Onion farmers nagpasaklolo vs smuggling

NANAWAGAN sa pamahalaan ang samahan ng mangangalakal ng puting sibuyas na paigtingin pa ang kampanya laban sa patuloy na pagpupuslit ng white onion na nagpapabagsak sa kanilang pagsasaka.

Ayon sa onion farmers, ang kanilang inaaning sibuyas ay nabubulok lamang dahil matumal ang benta nito bunga ng mga ipinupuslit na
sibuyas sa bansa.

Malaki pa ang hinala ng samahan na kaya nakapupuslit ng puting sibuyas dahil may mga kasabwat ang smugglers sa Bureau of Customs na nagbubulag-bulagan dahil sa ibinibigay na “padulas” o “lagay.”

Kaugnay naman nito, nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na huwag tangkilikin ang “smuggled onion” o ipinuslit na sibuyas dahil sa bantang dala sa kalusugan.

Ayon sa DA ang pagkain ng iligal na imported na sibuyas ay makasasama sa kalusugan dahil hindi dumaan sa proseso at hindi nasusuring mabuti mula sa kontaminasyon.

Kaugnay nito, umaapela ang local onion farmers sa mga kinauukulan na paigtingin ang kampanya kontra smuggling dahil anila malaki na ang kanilang ikinalulugi dahil sa nasabing problema.

Tinatayang P75 million na ang nawalang kita ng mga magsasaka ng sibuyas.

Linggu-linggo, tinatayang 20 hanggang 30 container van ng sibuyas ang iligal na pumapasok sa Pilipinas na nagmumula sa China at India.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply