Online radio ng CBCP muling eere

MULING eere ang online radio ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasunod nang muling paglulunsad dito ng CBCP media office.

Inaasahang mas maraming programa ngayon ang CBCP online radio na ang layunin ay higit pang mapagsilbihan ang mas maraming Pinoy sa bansa, gayundin ang mga nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Nabatid na ilang bagong programa ang pinu-produce na ngayon sa pakikipag-ugnayan ng ilang ahensiya ng pamahalaan at mga personalidad na may kaalaman sa negosyo at pulitika.

Kabilang umano sa mga bagong programa na nakatakda nang simulang i-ere ngayong buwan ay ang “Sagot Ko ‘Yan” sa pakikipagtulungan ng Office of the Civil Registrar General at National Statistics Office; “Batas ng Bayan” sa tulong naman ng Public Attorney’s Office; “Business Bits” kasama si Manila Bulletin VP Melito Salazar at iba pa. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply