Operasyon ng Bicol express itinigil

DALAWANG araw na ititigil muna ang operasyon ng Bicol express train makaraang magkaroon ng aberya aberya sa byahe nito.

Ayon kay South Railways Manager Constancio Toledano, nagsasagawa na sila ng engineering works simula kahapon, Hulyo 8, makaraang magkadiperensya ang makina ng tren.

Posibleng sa araw ng Lunes pa maging operational ang Bicol Express papuntang Metro Manila.

Una rito, nadismaya ang mga pasahero ng tren papuntang Maynila dahil sa aberya sa may bahagi ng Brgy. Mabolo, Naga City, na nasa 100 metro ang layo mula sa PNR station.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply