Operasyon ng LRT naapektuhan sa sunog sa Pasay

NAAPEKTUHAN ang operasyon ng Line 1 ng Light Rail Transit (LRT) ng naganap na sunog sa Pasay City nitong umaga ng Biyernes, Hulyo 15.

Ayon kay LRT-1 spokesman Hernando Cabrera sa isang panayam sa dzBB, kinailangan nilang gawing “half-line operations,” kung saan sinuspinde nila ang biyahe sa Central Station sa Manila hanggang sa Baclaran terminal.

“Sinabi ng safety officers namin na unsafe para sa tren na dumaan sa area na yan kaya nag-declare kami ng half-line operation. Pansamantala, walang biyahe ang Baclaran to Central Station or vice versa,”ayon kay Cabrera.

Ayon pa kay Cabrera, tuloy ang ang operasyon ng LRT-1 sa Central Station hanggang sa Roosevelt Station sa Quezon City.

Nasunog ang residential area malapit sa kanto ng San Isidro Street at Taft Avenue sa Pasay City na nagmula bandang 7:29 a.m. na umabot sa ikatlong alarma.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply