Operasyon kay GMA tagumpay

MATAPOS ang matagumpay na cervical spine surgey sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig ay inilipat na siya sa intensive care unit.

Kaninang ala-siyete ng umaga nang simulan ang operasyon kay Arroyo upang iwasto ang inirereklamong bahagi ng kanyang gulugod.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, spokesman ng dating Pangulo, na mahalaga sa ngayon ay panalangin ng lahat para sa agarang paggaling ng dating pangulo.

Kinumpirma rin ni Lambino na kumpleto ang buong pamilyang Arroyo sa loob ng ospital bago at matapos ang operasyon kay GMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply